

Pag may kalungkutan, may kasiyahan”. Dito sa mundong ating ginagalawan nakakaranas tayo ng mga pangyayaring hindi malilimutan, may mga araw o pagkakataon na tayo ay masaya,malungkot, nakakaramdam ng pighati at kabiguan. Habang umiikot ang mundo isa sa mga emosyon na ito ang ating nararamdaman, kaya’t minsay nagiging isang alaala ito sa ating puso’t isipan. Bawat taon may mga pinakamasayang araw, at pinakamalungkot na araw sa ating buhay. Marami nang mga magagandang nagyari sa buhay ko ngayong taon ngunit ano nga ba ang pinaka masaya sa lahat ng ito?

Ang bawat kabanata ng pagtatapos ng isang mag-aaral ay hudyat sa panibagong pakipagsapalaran at umpisa ng mas malaking hamon sa tunay sa laban ng buhay. Isa sa mga pinakaasam- asam ng isang mag-aaral ay ang araw ng kanyang pagtatapos. Ito ang araw na hindi lang ako, tayo ang naghihintay na sumapit, bagkus ay kasama ang mahal sa buhay.
Tinititigan ko ang aking larawan noong grumadweyt ako ng hayskul at naalala ko ang taong naging inspirasyon ko kung bakit masaya ako sa araw na ito at kung paano nabago ang pananaw ko sa buhay. Ika- 5 ng Abril taong 2019 ito ang araw ng aming pagtatapos sa sekondarya.Masasabi kong ito ang pinakamasayang nangyari sa akin sapagkat natapos ko na naman ang isang hakbang at malapit ko ng makamit ang aking minimithi. Halo- halong emosyon ang aming nadarama sa araw na ito. Masaya dahil sa apat na taong pagsususumikap ay nakapagtapos na kami at nalagpasan na namin ang isang yugto ng pag-aaral. Malungkot naman dahil iiwanan na namin ang aming naging pangalawang tahanan ng apat na taon at gagawa ng panibagong alaala.

Kailangan kong makatapos ng pag-aaral”,ito ang mga katagang pinanghahawakan ko simula ng ako’y pumasok sa paaralan, alam kong maraming pagsubok ngunit kakayanin ko ito. Ang aking mga magulang ang nagsilbing gabay ko sa panahong hindi ko alam ang gagawin.Ang aking pagtatapos ay umpisa o simula sa panibagong yugto ng mas mapaghamong uri ng buhay.

Apat na taon na ang nakalipas mula nang una kong pagpasok sa Cabugao Institute Hay, kaybilis talaga ng panahon..Sa loob ng apat na taon ay maraming naganap..Mga pangyayaring talagang tumatak sa puso’t isipan ko. Lubhang napakarami no’n..Ang mga ligaya’t lungkot na aking naranasan habang nag-aaral ay siyang bumuo sa aking buhay nitong hayskul ko.
Ang buhay hayskul ay hindi madali pero punong puno ng kasiyahan,trip,komplikasyon at hamon sa buhay kaya isang makabuluhan at di malilimutang karanasan ang makapag tapos ng hayskul.Sa araw ng aking pagtatapos maraming aral ang natutunan ko sa aking buhay.Tinuruan ako kung paano magpahalaga sa mga opurtunidad na buhay. Natuto akong makibagay sa iba. At higit sa lahat ,natutunan kong kilalanin ang sarili ko at ang kakayahan ko.


Ang pagtuntong dito sa entablado upang kunin ang mga diploma’t medalya ay tunay ngang tagumpay na maituturing. Subalit ito pa lamang ang simula ng pagharap sa isang bagong mundo ng pakikipagsapalaran..Lubos akong nagpapasalamat sa aking mga magulang mula sa pag-aaruga, pagpapalaki, pagpapaaral, pagtatanggol sa akin, at pagmamahal, tunay silang dakila at bayani. Higit sa lahat ang Diyos sa pamamagitan niya ay nagkaroon ako ng ibayong lakas upang malampasan ko ang lahat ng pagsubok at kalungkutan. Tunay at wagas ang Kanyang pag-ibig sa atin, kung kaya’t karapat-dapat Siyang papurihan at pasalamatan.


Bilang pagtatapos, ay iiwan ko ang isang hamon: maaaring nagawa natin ngayon ang magtagumpay sa pag-akyat sa tuktok ng isang bundok. Pero mas marami pang bundok na sadyang mas matataas ang dapat pa nating akyatin! Tiyak na marami ring sagabal ang masasalubong natin. Ngunit sa halip na ituring itong pahirap, gawin nating mga tuntungan ito sa ikabibilis ng ating pagsilay sa mas malawak na tanawin! Patuloy nating gawin ang lahat ng makakaya upang mas marami pang pagdiriwang ang magaganap..
AKO SI HONEYLETTE HOWE
Grade 10 completers
With High Honors

